Lunes, Hulyo 22, 2013

KAMUSTA?


magandang araw!

ang tagal ko naring hindi nakapagbukas nito. didiretsuhin ko na. unang una kasi, talagang nawalan ako ng gana magsulat noong nakaraang buwan. kaya kung mapapansin nyo eh wala akong post noong hunyo.

napakagulo nang utak ko nun, na para bang nawawalan na talaga ng aurang kaganahan para magsulat. naaalala ko pa nung mga araw na yun, na talagang pakiramdam ko wala na talaga akong kwentang magsulat. yung tipong ewan na lang at parang plain nalang na mga salita ang nakikita ko sa aking isipan. ba malay ko di ko rin mauntindihan.

pero yun na nga, naagapan naman. medyo "on-track" nanaman muli sa pagsusulat. heto na nga oh, nagsusulat nanaman. haha.

sa loob ng ilang buwan, sobrang dami nang nangyari. magaganda at mga di kaaya ayang mga pangyayari. parang pakiramdam ko na kailangan ko ng pahinga. pero sa kabila rin noon ay naagapan naman.


ikaw, kamusta na?

2 komento:

  1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  2. Ako? Ok na. Salamat at nakita ko tong page mo. Naiinspire ulit akong magsulat. Ngayon, mukhang maagapan ko na ang hindi maintindihang plain na mga salita na nakikita ko sa king utak. Feeling ko, magagawan ko na ng paraan.

    TumugonBurahin