haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay salamat.. eto na talaga ang tunay na bakasyon.
ibang iba na ang college. di ko inaasahang ganto pala talaga ka busy. biruin mo, ngayon lang magsisimula ang unang mga araw ng bakasyon ko? nag summer classes kasi ako ng mga halos isang buwan, para naman mabawas bawasan ang papasanin ko ngayong parating na pasukan. buti nga nakasurvive ako.
anyways, ETO NA! NAGSISIMULA NAKONG MAGBAKASYON. nagpapahinga na, at syempre, hinahaluan rin ng kaunting pagkabusy at pagsusulat. napaka exciting ang gantong buhay. gigising ka ng madaling araw para magsulat, samahan ng kaunting ehersisyo at jogging, at viola! paniguradong napaka fit ko na at handa pagdating ng pasukan.
pasukan? nako, malapit na. June 10. at oo, TATLONG LINGGO LANG ANG BAKASYON KO. at nako, sapat na para sakin yun, basta may halos na isang buwang pahinga. eto na nga't solb na solb na sa bawat araw na lumilipas. at yung ipinangako kong magsusulat ng maraming-marami? nako, halos nakahanda na nga ang buong JUNE AT JULY NOTES sa sobrang ganado kong magsulat.
kahit maiksi lang ang panahon ko para malayang magsulat, at kahit nasa isip ko ang .. bumitaw pansamantala sa pagsusulat, HINDING-HINDI AKO GAGAWA NG BAGAY NA SOBRANG MAKAKAAPEKTO NG MALAKI SA BUHAY KO, LALO NA KUNG ALAM KONG NAKAKASAMA PA. parang buhay ko na ang pagsusulat, kaya habang bakasyon? SULAT LANG NG SULAT! :)
-KuyaJuanito