pinakaunang linggo ng abril, may isang hindi inaasahang tago na sa aking buhay ay nangyayari. NASIRA ANG AKING GF- LAPTOP. di ko na maopen, at kung maopen man, total black naman ang makikita mo. sabi sa paayusan , nasira raw ang hard disk, at kailangan palitan ng bago. ang bad news? di na mareretrieve pa ang mga files dun. LALO NA YUNG MGA NAKAHANDANG MGA SULATIN KO. yun na siguro ang isa sa mga hindi ko matanggap na pangyayari sa larangan ng pagsusulat ko. gulung-gulo ang isipan ko sa mga panahon na to.
isang post na sinulat ko sa facebook account at sa official website ko para malaman ng lahat ng mga mambabasa at sumusuporta sa akin ang kalagayan ko:
------------------------------------------------------------------------------------
ISANG MALAKING REBELASYON
ABRIL 16, 2013
ito ay isang mabilis lamang na pag uupdate mula sa aking site. kung napapansin nyo kasi, medyo hindi nako nakakapagpost dito. ang tunay na dahilan? eto.
(mula sa isang post ko galing sa aking facebook account)
PARA PO SA AKING MGA MASUSUGID NA MAMBABASA, AT SA MGA FRIENDS AT FOLLOWERS KO. SANAY MABASA NINYO ITO.
PARA PO SA AKING MGA MASUSUGID NA MAMBABASA, AT SA MGA FRIENDS AT FOLLOWERS KO. SANAY MABASA NINYO ITO.
Patawad po, pero mukhang dito na muna magtatapos ang aking pagsusulat.may hindi po kasing inaasahang pangyari. nasira po ang laptop ko, ang hard disk drive nya, para sa mas eksaktong pangyayari. napaka disappointed ko po ngayon dahil nabua ang lahat ng mga naisulat na ni kuya na ready na sanang ipost. nakakawala na ng gana at nakaka baba na ng loob para sa katulad kong manunulat. ngayon , nag open lang sa pc namin at sinikap na ma inform kayo tungkol rito. kaya sana, maunawaan ninyo.
ngunit wag mag alala, susubukan ko paring magsulat, ngunit sa wattpad. susubukan lang naman. alam nyo naman kasing may tinatapos akong libro.
sana ay hindi nyo parin makalimutang bisitahin itong facebook account ko, ang facebook page ko, at ang website ko. MARAMING SALAMAT PO SA HALOS ISANG TAON NINYONG PAGSUSUPORTA. MARAMING MARAMING SALAMAT.
sana ay hindi nyo parin makalimutang bisitahin itong facebook account ko, ang facebook page ko, at ang website ko. MARAMING SALAMAT PO SA HALOS ISANG TAON NINYONG PAGSUSUPORTA. MARAMING MARAMING SALAMAT.
hanggang sa muli,
Kuya Juanito
Kuya Juanito
ayun, magpapahinga lang naman ako, ang totoo eh hindi parin naman ako tumitigil sa pagsusulat. sa katunayan, ang mas pinagtutuunan ko nang pansin at mas pinagdidiskitahan eh ang paggawa ko ng libro sa wattpad. kaya habang nagpapahinga, eh sana wag nyo naman akong kalimutan. pangako kapag naayos at naayos ito eh babalik ako sa pagiging dating magiting na manunulat na nagpapahayag ng damdamin rito.
p.s. – antayin nyo ko, ha?
------------------------------------------------------------------------------------
ginawa ko yun kase baka sakaling may nakakamiss na sakin sa mga oras na yun, yung PC pa namin ang gamit ko, patunay na maliit lang na sakripisyo eh makakagawa at makakatulong talaga ng malaki. kaya matapos nun eh medyo nakaramdam ako ng ginhawa dahil di na masyadong naiistress sa sobrang pag iisip ng mga notes, hanggang sa di ko inaasahang makapagdesisyon na hindi na magsusulat. pero syempre, mahal ko kayo, kaya narealize ko rin na hindi ako mawawala sa larangan na ito at bagkus paghuhusayan pa. dahil dun napagdesisyunan ko na rin na ipaalam sa lahat na may sinusulat akong mga libro at magiging handa ito sa susunod na taon.
eto nga pala ang aking post sa aking pagbabalik:
------------------------------------------------------------------------------------
NAGBABALIK.
MAYO 10, 2013
(kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit ko isinulat ito, i click at basahin:http://fallwishingflower.wordpress.com/2013/04/16/isang-malaking-rebelasyon/ )
MAGANDANG ARAW SA INYO!
opisyal na ho. BABALIK NA MULI AKO SA PAGSUSULAT!
opisyal na ho. BABALIK NA MULI AKO SA PAGSUSULAT!
ayun. naayos na ang laptop ko. at na upgraded pa. windows 8 na! hindi sana ako problemahin sa pagsusulat muli nito.
at gaya nga ng inaasahan. napaka convenient nang gamitin! mas mapapabilis na ang pagsusulat ko dahil rito. mukha tuloy kailangan ko pang magpasalamat kase nasira tong laptop ko noon at nang sa ganon maisipan ko nang mag upgrade.
ngayon tungkol naman sa mga naburang mga sulatin at mga quotes na hanggang ngayon kahit paano eh pinanghihinayangan ko parin dahil sayang, ngayon susubukan ko ulit i recall yon at kung ano man ang muli kong masulat eh yun na yon. bigyan sana ako ng enlightenment ni lord para maalala ko ulit lahat ng iyon. saka wala namang masama kung “back to basic” ka at magsisimula kang muli. may nawala man, kaya mo paring gumawa ng better.
simula ngayon eh tinatry ko na uling gumawa ng pundasyon para isapuso muli ang pagsusulat. at guess what? ang raming nagbago. sneak peak? saka na, mababasa nyo rin naman mga sulat ko kase lahat bago na. pero dahil malakas kayo sakin magbibigay ako ng isa- taken na po si kuya :”)
kaya ihanda na muli ang mga mata pambasa, at mga isipan upang paliparin ang imahinasyon at damdamin ng sabay
mabuhay po tayong lahat, dahil si kuya juanito ay nagbabalik na. 


-kuya juanito 

PARA SA FB LINK NG POST NA ITO I CLICK ITO : https://www.facebook.com/KuyaJuanito/posts/191204667699455
------------------------------------------------------------------------------------
at sa kasalukuyan, patuloy paring nagsusualt si kuya. salamat sa inyong pagsusuporta. dahil sa inyo nakakatayo parin ako sa kabila ng kahit anong mga challenges ko sa buhay. maraming salamat. mabuhay tayong lahat!
-KuyaJuanito