Biyernes, Mayo 17, 2013

WALA NANG PASOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOK!

yeeeeeeeeeeeeeees! wala nang pasooooooook! yahooooooooooo!


haaay salamat at makakahinga narin ng maluwag. makakatulog na ng mahimbing. makakakain na ng tama, at wala nang iisipin pa. tunay na bakasyon na!

kakatapos lang ng summer classes ko. kung hindi nyo kasi alam eh nagsummer class ako para mapunan ang kulang na mga subjects ko sa college. ibang-iba na nga talaga ang college kumpara sa nakagawiang apat na taon sa highschool. tulad ng inaasahan ko, malawakang pag aadjust ang gagawin ko.

well, medyo lumalayo na tayo sa topic. so yun nga, wala na kaming pasoook! ngayon makakatulog nako ng maaga. noon kase halos alas diyes nako natutulog sa gabi, tas gigising pa ulit ng alas singko ng umaga para magreview ulit. ganun katindi. seryosohan. pasalamat rin naman ako at nagbubunga rin naman kahit paano ang konting sakripisyo sa pagkakaroon ng pimples sa mukha, at ang oras para turuan ang sariling disiplinahin at kung aral, aral lang! wala nang iba.


ngayon, back on track ulit sa pagsusulat at wala nang iisipin pang iba. mapapangako ko na madodoble ang mga isusulat ko ngayon sa nalalabing 3 linggo ng bakasyon. malapit na kase ang hunyo. pasukan nanaman. (bahagyang napakamot ng ulo) at may isang malaking problema- hindi ko pa natatapos ang JUNE NOTES. dapat ngayong mga oras na to kung hindi ako nagsummer malamang nakadrafts na iyon at naghihintay nalang ng araw na ipa publish. pero hindi ako susuko at gagawa parin ngayong nalalabing 3 linggo. at saka ta try ko ring magsulat sa ibang portions, sa random notes, kuyas thoughts, ang sampu, isip at puso, at iba pa. lahat ng yun kaya kong gawin. hay salamat wala nanamang pasok. relax na ang utak. goodbye stress, hello relaxation.

osige. sisimulan ko na ngayon ang pagsusulat. hayy salamat talaga wala nang pasok.


-kuya juanito

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento